Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Kerubin sa Halamanan
ng Eden
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
ANG PAGBABAUTISMO
Inihayag ni Maestro Evangelista noong Enero 12, 2006
Tungkol sa karapatan ni Juan Baustista na magbautismo at ang pagbautismo kay Jesus.
Ang Pagbautismo na nag-aalis ng mga kasalanan sa mga tao, ito ba’y galing sa
Dios?
Tungkol sa kapahintulutan ni Juan Bautista na
magbautismo, sino ang nagbigay
nito sa kanya? Ang pagbabautismo ba ay pinapayagan ng Dios? May tagubilin ba mula sa
Dios na nagpapahintulot na magbautismo sa tao si Juan?
Ang sabi ni Maestro Evangelista, upang ating malaman ang katotohan tungkol kay
Jesus, basahin natin ang nakasulat:
At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang
ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na
nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga
awit. Lucas 24:44 (TAB)
Sinalita ba ni Jesus na ating ipagtanong sa mga aklat ng mga apostol
ang mga katotohanan sa kanya? Ang sagot
ay HINDI! Kaya nga kung tayo ay maniniwala sa mga apostol na higit pa sa mga
propeta; malinaw kung sino ang malayo sa katotohanan.
Sinalita na ito ni Jesus noon, at ang mga relihiyon ang nagbaluktot ng mga
mensahe niya. Kahit pa bago ipanganak si Jesus, may mga pahayag na naibigay tungkol sa kanyang pagdating:
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga
magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong
tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng kaniyang kaharian magpakailan man. Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa
ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga
anak ng mga tao; II Samuel 7:12-14 (TAB)
Sa pahayag na ibinigay, ito ang tungkulin ni Jesus, at may pasubaling ibinigay din;
kung siya ay magtatagumpay sa kanyang misyon, siya ay bibigyan ng karangalan na
tawaging “anak ng Dios,” bagaman siya ay isang “anak ni David.” Walang ibang
ipinangako liban sa inihayag.
Kaya nga ang mga apostol at ang mga relihiyon ay
nagsasabing “Si Jesus" ang "nag-iisang anak ng Dios" na sinugo, at sa pamamagitan ng
kanyang kamatayan tayo ay tinubos sa kasalanan, nang hindi nila binabasa ang
buong pahayag mula sa mga propeta: na magpapaliwanag ng dahilan sa ginawang "kasamaan" ni
Jesus at ang dahilan ng maaga niyang pagkamatay.
Upang bigyang linaw kung tunay ang pag-iisip, aral at paniniwala ng mga relihiyon: halimbawa
ikaw ang lumagay sa katayuan ng Dios; kung ang mga tao ay may
nagawang kasalanan sa iyo, dapat ay ipapadala mo sa kanila ang nag-iisa mong
anak upang kanilang patayin para sa ikapapatawad o ikatutubos ng kanilang kasalanan. Gagawin mo ba iyon? Hindi,
di ba? Papaano pa kaya ang Dios na tunay? Malayo ito sa tamang pag-iisip na gagawin ito ng kahit
sino.
Sinasabi ng mga relihiyon na si Jesus ay “anak ng Dios” kahit na siya ay
ipinanganak ng isang babae. Sinasabi rin ng mga relihiyon na si Jesus ay walang
kasalanan o hindi nakagawa ng kasalanan. Nguni’t basahin natin sa Banal na Aklat
kung ang isang tao na ipinanganak ng isang babae ay tunay na hindi nagkakasala:
Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya
na ipinanganak ng isang babae. Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa
kaniyang paningin: Job 25:4-5 (TAB)
Walang sinoman ang makakapagsabi na siya ay
walang kasalanan o hindi nakagawa ng
kasalanan; kahit si Jesus na ipinanganak ng isang babae ay sakop din ng
sinasalita dito.
Kaya’t sa pahayag, may pasubali na ibinigay, “kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking
sasawayin siya…” nangangahulugan na si Jesus ay may kakahayang makagawa ng "kasamaan." Iyan ang dahilan ng pasubali, at ating nabasa na siya nga ay hinampas
at pinalo, nangangahulugan na siya ay nakagawa ng "kasamaan." Ito ang hindi
napag-alaman at napag-isipan ng mga relihiyon.
May ibinigay na tanong kay Maestro Evangelista tungkol sa patotoo ni Juan
Bautista kay Jesus: “At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng
Dios.” (Juan 1:34)
Ang sagot ni Maestro Evangelista: Kung si Juan Bautista ay tunay ngang matapat
at sumusunod sa Dios, papaanong nangyari na siya ay pinatay at pinugutan ng ulo
sa kahilingan ng isang mananayaw? Tunay nga na kung si Juan Bautista ay isang
tao ng Dios at sumusunod sa Kaniya, dapat ay iniligtas siya sa kamatayan! Nguni’t
hindi ito nangyari.
Papaano naman ang mga propeta sa Lumang Tipan, ang mga sinugo ng Dios; tingnan
natin ang kasaysayan ni Daniel bilang isang halimbawa:
Nang magkagayo'y bumangong maagang maaga ang hari, at naparoon na madali sa
yungib ng mga leon.
At nang siya'y lumapit sa yungib kay Daniel, siya'y sumigaw ng taghoy na tinig;
ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Oh Daniel, na lingkod ng buhay na
Dios, ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas
sa iyo sa mga leon?
Sinabi nga ni Daniel sa hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man.
Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon,
at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong
walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan.
Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si
Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang
anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.
Daniel 6:19-23 (TAB)
Ito ang kasaysayan ng isang taong matuwid at sumusunod sa Dios. Ang kaligtasan
ay buhay, hindi kamatayan. Kaya ang mga kwento ng mga taong nagbigay o nag-alay
ng kanilang mga buhay para sa iba o sa ngalan ni Jesus para sa Dios sa Bagong
Tipan ng Banal na
Aklat ay hindi totoo. Ang Banal na Aklat ay para sa mga buhay at hindi sa mga
patay!
At ang sinasabi ng mga relihiyon na ang sinisintang “anak ng Dios” ang
pinahintulutang mamatay ng nakapangingilabot para sa ipagpapatawad ng mga kasalanan,
ito ay pagkutya o isang kalapastanganan sa Dios! Inililigtas ng Dios ang mga masunurin at matapat,
hindi ang mga masuwayin.
Gaya ni Jesus, may kakayahan bang akuin ng isang tao ang kasalanan sa Dios ng
kanyang kapuwa?
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin
dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling
kasalanan. Deuteronomio 24:16 (TAB)
Kahit na ang ating mga magulang ay hindi pinahintulutan ng Dios na akuin ang
ating kasalanan at danasin nila ang kaparusahan.
Tungkol kay Juan Bautista: May makikita ba tayo na pahayag sa Banal na Aklat
tungkol sa pagsusugo na magbautismo si Juan? Kung hindi tayo makakita ng pahayag
na
gayon, ang kanyang kapangyarihang magbaustismo ay hindi galing sa Dios. Kaninong
aral ito? Mag-isip.
Wala rin kapangyarihan o karapatan si Juan
Bautista na magpa-totoo na si Jesus ay "anak ng Dios!"
Tungkol sa isang pagpuna kay Maestro Evangelista: Iyong ipinalalagay na si Jesus
ang nagpanggap na “anak ng Dios.” Nguni’t ano pa ang pinakamainam na katibayan o
katunayan ng kanyang pag-angkin sa gayon liban sa mga sinalita na nanggaling mula
sa langit nang binabautismuhan si Jesus na ipahayag na “…Ito ang sinisinta kong
Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan. “ (Mateo 3:17, Marcos 1:11, Lucas 3:22)
Ang sagot ni Maestro Evangelista: Maaari ba nating marinig ang Tinig ng Dios?
At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't
huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. Exodo 20:19 (TAB)
Kung sinabi ng mga apostol na kanilang narinig ang tinig ng Dios ay pawang
walang katotohanan, bakit? Dahil hindi sila namatay, ang tinig na kanilang
narinig ay hindi galing sa Dios. Mag-isip.
Noon pa man ay alam na ng mga tao na hindi
maaaring marinig ng direkta ang salita ng Dios dahil mamamatay sila. Kaya nga
may mga propeta na tagapag-salita ng Dios upang iparating ang mga mensahe sa mga
tao.
Ang sinabi ng mga apostol hinggil
sa mga pangyayari sa pagbabautismo kay Jesus ay hindi totoo. Ito ang ginamit nila upang dayain ang
tao. Mula noon hanggang ngayon.
Kung ang tinig na narinig ay hindi nga galing sa Dios, kaninong
tinig ang narinig na nagsabi na: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong
lubos na kinalulugdan?” Sino ang umaangkin na “ama” ni Jesus?
Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong
gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa
katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng
kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang
sinungaling, at ama nito. Juan 8:44 (TAB)
"amang diablo" - Si Jesus ay laging
nagbabanggit ng tungkol sa isang "ama," na sabi ng mga relihiyon ay ang Dios ang
tinutukoy. Nguni't sa pagkakataong ito, lumalabas na ang napangalanan lang na "ama"
ni Jesus ay ang Diablo, at hindi niya ipinakilala ang tunay na Pangalan ng Dios
sa mga tao sa Bagong Tipan ng Banal na Aklat!
Kaya lumalabas, dalawa ang "ama"
na tinutukoy ni
Jesus sa Bagong Tipan. Kaya’t kung si Jesus ay
palagiang nananawagan sa “ama,” – sino ang kanyang tinutukoy na "ama?"
At, tungkol sa kapamahalaan ni Jesus - ang magpagaling ng mga may sakit, ang
paggawa ng mga kababalaghan, at ang pagpapalayas ng mga demonyo - kanino galing
ito?
At nangyari, sa isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa
templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga
saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda;
At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong
kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng
kapamahalaang ito?
At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang
tanong; at sabihin ninyo sa akin:
Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao?
At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa
langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong
bayan, sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta. At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula.
At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong
kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Lucas 20:1-8 (TAB)
Walang makapagsabi sa kapanahunan nila, na ang kapamahalaan ni Jesus ay
nanggaling Dios, at hindi rin naman sinabi ni Jesus kung kanino nanggaling.
Ang ipinangaral ng mga relihiyon na ang kapamahalaan ni Jesus ay
nanggaling sa Dios ay kathang isip lamang. Ang mga relihiyon ay sadyang
mapalaginipin. Ito ang sanhi ng mga kalituhan at pagbabaluktot sa tunay na
katauhan ni Jesus mula pa noong una.
Ngayon, sabi ni Maestro Evangelista, sino ang nangako ng kapangyarihan,
kapamahalaan at kaluwalhatian ng mundo kay Jesus?
Basahin sa:
At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang
batong ito ay maging tinapay. Lucas 4:3 (TAB)
Ang diablo, Satanas at Ahas.
Papaano
sinagot ni Jesus ang diablo?
At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
Lucas 4:4 (TAB)
Walang kapangyarihan si Jesus na gawing tinapay ang bato. At:
At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat
ng mga kaharian sa sanglibutan. At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang
ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay
ko kung kanino ko ibig. Lucas 4:5-6 (TAB)
Nanaig ang Ahas/Satanas/Diablo kina Adan at Eva, at ang dalawa ay
pinalayas sa Halamanan ng Eden, hindi ang Ahas; at ang mundo ay ibinigay sa Ahas/Satanas/Diablo. Kung hindi ito totoo, sinaway sana ni Jesus ang Diablo sa
pag-angkin nito sa mundo. Ang
Diablo ang nangako ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng mundo kay Jesus, ano ang kapalit?
Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
Lucas 4:7 (TAB)
At kung may mababasa pa tayo na may ipinangako rin
ang Dios na "kapamahalaan at
kaluwalhatian ng mundo" kay Jesus maliban pa sa ipinangako ng Diablo… iyan ay isang pagsasalungatan.
Ano lang ba ang pagsusugo ng Dios kay Jesus?
Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga
magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong
tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan
ng kaniyang kaharian magpakailan man. Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa
ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga
anak ng mga tao; II Samuel 7:12-14 (TAB)
Ang pagkakasugo ng Dios kay Jesus ay itinakda lamang sa pahayag na binanggit, siya ay sinugo sa
kanyang bayan lamang, hindi sa buong mundo. At kung anuman ang idinagdag
ni Jesus sa mga yaon ay karagdagan din sa kanyang
mga "kasamaan."
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Pinagmulan ng Pagbabaustismo
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|